On - Wheels Barangay Training
Isang naiibang paraan ng pagsasanay ng iba’t ibang kaalaman na ginaganap sa isang barangay na humiling ng pagsasanay. Ang trainer na dala ang mga gamit ay tuturuan ang mga trainees sa tinakdang panahon at oras. Isang sertipiko ng pagtatapos ang makamit bilang katunayan bago siya maging isang entrepreneur.
 
   
 Kabuhayan Centers
Proyektong inilunsad sa barangay noong December 2001 upang magkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng pananahi ng mga nagsipagtapos sa kursong Industrial Sewing Machine Operation. Ito rin ay isang paraan upang ang barangay ay magkaroon ng malapit na livelihood center kung saan pwedeng magsanay at maturuan ang mga resident ng gawaing pang-negosyo.
 
   
 Lingap sa Barangay / Serbisyo Eusebio
Ang PLFI ay nagbibigay ng libreng gupit, reflexology at cooking demo tuwing Lingap sa Barangay at Serbisyo Eusebio Medical Mission. Ito rin ay isang pagkakataon upang Makita ang gawaing kamay at iba’t ibang produkto at tahi ng nag-aaral sa livelihood. Isang paraan upang magpalista at magtanong ng mga alituntunin ukol sa Pasig Livelihood.
 
 


 Kabuhayan sa Tahanan
Pagpapautang sa mga kwalipikadong nagsipagtapos sa mga kursong tulad ng Baking, Industrial Sewing Machine Operation, Dressmaking, Tailoring, Reflexology at Cosmetology ng equipment o materyales para sa negosyo sa tahanan.
 
 Livelihood on Wheels
Nagpapahiram ng puhunan sa mga nagnanais mag-umpisa ng mga maliit na negosyo tulad ng pagtitinda ng iba’t ibang uri ng kakanin, tinapay sa foodcourt o kariton.
Click here for the guidelines
 
 Tsibug Pampalusog Barangay and School Feeding Program
Pagluluto at pagpapakain ng msustasiyang lutuin para sa mga batang kulang sa kalusugan at nutrisyon. Binibigyan din ng sapat na alaga at pagkakandili upang maging malusog at masaya.
 
NAGKAKALOOB DIN NG: small scale lending assistance, basic computer education, values education primers, entrepreneurship lectures, accounting and basic English.
 
 


 PANANAHI NG: t-shirt, school uniforms, logo, table cloth, hospital linen, appliance cover, throw pillows, curtains at iba pa.
 
 FANCY DÉCOR MAKING: tie-dyeing, flower making, stone impression, candle making, recycling, fossilized flower making, ceramics & jewelry making.
 
Dalhin ang inyong BIO-DATA, na may larawan at makipagkita sa Tanggapan ng Livelihood Coordinator (Pasig Livelihood Center) o tumawg sa Livelihood telepono bilang 641 - 6536 at 642 - 4223.
 
 
PASIG LIVELIHOOD FOUNDATION, INC.
Sa pamamahala ni Gng. Maribel A. Eusebio at sa patnubay ni Kgg. Punong Lungsod Vicente P. Eusebio at Kgg. Soledad C. Eusebio.